An Mabatong Tagdan

the official newsletter of ANHS

  • Setyembre 19, 2025

    2023-2028 Development Plan para sa gawaing ‘Tourism Powerhouse in Asia’ Ang Pilipinas

    ni Chris Tea

    Naglunsad ang goberno ng Philippine Tourism Development Plan (NTDP) na ginanap sa palasyo ng malacanang noong May 16, 2023 upang palakasin ang ekonomiya at patatagin ang ekonomiya at patatagin ang posisyon nito bilang pangunahing destinasyon ng mga turista na panangunahan ni Secretary Christina Frasco at Secretary Ivan Jhan Uy ang detalye ng plano tungkol sa NTDP.

    Siguraduhin na dapat mayroong internet ang isang lugar kung saan maraming mga tavista ang pumupunta dahil karamihan sa mga turista ay vlogger, kumukuha sila ng magagandang bidyo ukol sakanilang karanasan at ibabahagi sa social media kaya kailangan may internet sa isang lugar, sa paraan ng pagbabahagi ng kanilang Karanasan mas lalong makilala ang isang lugar.

    Dagdag pa ni Secretary luan Jhon Uy, ang ICT ay hindi lamang isang Suporta kundi isang haligi ng NTDP dahil mas kailangan natin teknolohiya dahil dito mas magiging aktibo.

    Ayun naman kay Frasco, tapus na ang pandemya ngunit kailangan parin mag-ingat at panunumbalik sa turismo.

    “Ang plano sa Pagpapaunlad ng Turismo na ito ay hindi lamang tungkol sa pagtaas ng bilang ng mga bisita; ito ay tungkol sa paglikha ng isang napapanatiling at inklusibong industriya ng turismo na nakikinabang sa lahat ng Pilipino” dagdag ni Frasco.







  • Setyembre 19, 2025

    Sa Likod ng Kamera

    ni Gheno

    Bata pa lang si Julia, kinahiligan na niya ang pagbibidyo at pagkuha ng mga litrato. Hanggang sa kaniyang paglaki, ito ang kanyang ginagawa at ito rin and bumubuhay sa kanya. Isang araw, wala siyang maisip na content para sa kanyang susunod na vlog. Nagtingin- tingin siya sa kanyang paligid at nakita niya ang isang magandang lawa. Binidyohan niya ito at ibinahagi sa social media ang kwento ng lawang kumuha ng kanyang atensiyon.

    Sa panahon ngayon, mayroon ng isang trabaho na hindi na kailangan ng diploma. Isang trabaho na mag-eenjoy kana, makikita kapa – ang pagiging influencer. Ito ang bumubuhay sa ilang mga taong hindi nakapagtapos ng pag-aaral.

    Ang pagiging influencer ay hindi lamang tungkol sa pagbibidyo o paggawa ng content, kundi tungkol sa pagbabahagi ng kaalaman at pagbibigay-inspirasyon. Sila ay kilala rin bilang isang “storyteller”, na nagbabahagi ng isang kwentong tatatak sa puso at isipan ng mga manonood. Pagkain, pagtulong, paglalakbay ay ilan lamang sa kanilang mga ginagawang content.

    Isa sa kanilang mga content ng malaki epekto at naipakita sa mundo, ay tungkol sa turismo. Malaki ang kanilang mga naiambag. sa pagpapakita ng tinatagong kagandahan ng isang lugar. Sa pamamagitan nito, nakilala at naipakita sa buong mundo ang nakakamanghang tanawin ng iba’t ibang lugar.

    Sa huli, ang pagiging influencer ay maraming layunin, hindi lamang sa pagbibigay-inspirasyon, kundi pagpapakita ng mga lugar kung saan nakakaramdam tayo ng kapayapaan. Kaya’t huwag mawalan ng pag-asa kapag ikaw ay hindi nakapagtapos, maraming solusyon sa ating problema kabilang na ang pagpindot sa kamera.
     

  • Setyembre 19, 2025

    Hiwaga ng Kamera

    ni Gheno

       Si Jona ay isang taong mahilig maglakbay, kaya naman, noong nagkaroon na siya ng marangyang trabaho ay inanyayahan niya ang kaniyang kaibigan na si Madi upang lakbayin ang buong Pilipinas. Matagal na itong pinapangarap ng dalawa. Una nilang pinuntahan ang Chocolate Hills sa Bohol, sunod naman ang Banaue Rice Terraces sa Ifugao, Boracay sa Aklan, at iba pang lugar na tiyak na mamangha ang iyong mga mata. Dahil minsan lang itong mangyare sa kanilang mga buhay, ay wala silang sinayang  na sandal upang kumuha ng mga litrato. In-upload nila ito nila ito sa social media dahilan ng pagdami ng mga turista na pumunta sa Pilipinas para lang makita ang kagandahan nito.

     Sa modernong panahon, ang paglalakbay ay hindi lamang tungkol sa mga lugar na iyong pupuntahan, kundi tungkol sa pgababahagi mo nito sa buong mundo. Hindi kompleto ang iyong byahe kung walang mga litrarato at bidyo na pwede mong i-upload sa social media. Dahil dito, mas nakilala at natatanaw ng mga tao ang kagandahan ng isang lugar kahit hindi pa ito nakakaapak dito.

      Sa Pilipinas, maraming lugar ang palaging binabalik-balikan ng mga turistang nagmula sa iba’t ibang bansa. Sila ay na-eengganyo sa mga nakikita nila sa social media tungkol sa mga tourist spot dito, kaya naman sila ay nahikayat na pumunta upang makita at maranasan ang kagandahan ng mga lugar dito. Ngunit sa panahon ngayon, hindi kompleto and iyong paglalakbay kung wala kang dalang kamera. Sa pamamagitan nito, maaari mong kunan ng litrato and lahat ng magandang karanasan mo.

      Bukod dito, maaari mo rin itong maipakita sa buong  mundo sa pamamagitan ng pag-upload nito sa social media. Dahil dito, naipapakita mo ang kagandahang taglay ng Pilipinas. Nagpapakita ito na ang paglalakbay, ay mas nagiging masaya dahil sa tulong ng makabagong teknolohiya.

  • AUS pinatumba ang USA

    Mira Valen

    Setyembre 19, 2025

    “SIPANG TAGUMPAY” Ika-21 ng Oktubre 2019, nagwagi si Michael Nicholas WOODWAR sa World Mushu Championships Men’s 85kg

    Nagwagi ng gintong medalya si Michael Nicholas WOODWAR (Australia) laban kay chih-mei WANG (United States of America) 2-1 sa Hengyuan Xiagng Group (HXG) World Mushu Championships Men’s 85kg final, na kung saan ginanap sa Shanghai China noong October 21, 2019.

    Hindi paman nakakapagsimula ang matinding paglalaban ay ramdam mo na ang kaba at eksaytment ng mga manonood at manlalaro.

    Sa unang sabak ng laro ay nagpakitang gias agad si WOODWAR ngunit hindi nagpatala si WANG kaya’t naka tanggap ng hindi maka tumbas na sipa at suntok si WOODWAR 1-0.

    Sa ikalawang sabak ng laro ay bumawi at sumagad ng isang napaka lakas na sipa si WOODWAR.

    Dahil umano sa labis na lakas sa pagsuntok at sipa ni WOODWAR ito’y naging dahilan para umiskor siya ng 1-1.

    Umugong ang kaba ng mga manonood dahil sa mga pangyayari sa laro.

    Sa kalagitnaan ng laro ay nagbitaw ng isang napaka tamis at sarap na sipa at suntok si WOODWAR dahilan ng pgkapanalo nito 1-2.

    “Hindi ako nawalan ng pag-asa at tiwala sa aking sarili na mananalo ako sa larong ito kahit pa natalo ako sa unang set,” ani ni WOODWARD.

    Ang panalong ito ay nagsimula sa isang talo na nagbigay sa kanya ng buhay para magtiwala lang sa sarili at lumaban para manalo.

  • Scara Kuni

    Setyembre 19, 2025

    Hadlang sa Turismo; Krisis sa Visa sa Pilipinas

    Sa isang bansa na kilala sa ganda ng kalikasan, yaman ng kultura at ngiti ng mga tao, isang hadlang ang tila hindi inaasahan ang bumabagabag sa inaasahang pag-angat ng turismo; ang mabagal, komplekado, at mahabang proseso ng visa. Sa gitna ng pagsisikap ng Department of Tourism (DOT) na ibalik ang sigla at panumbalik ng mga lugar na magandang puntahan na dahil sa sektor pagkatapos ng pandemya, isa sa mga pangunahing problema na patuloy na inirereklamo ng mga dayuhang turista ay ang sistema ng visa sa Pilipinas. Habang ang ibang bansa sa Asya ay nagpapadali ng pagpasok, tila kabaliktaran ang nangyayari sa atin at ang epekto ay mas malala sa inaasahan ng marami.

    Ayon sa mga ulat at pahayag mula sa mga stakeholder sa industriya ng turismo ay marami sa mga potensiyal sna turista ang nawawalan ng gana dahil sa napakatagal at komplekadong pagkuha ng visa. May mga pagkakataong inaabot ng linggo o buwan bago maaprubahan, samantalang sa ibang bansa ay maari itong gawin sa online sa loob ng ilang oras o araw lamang. Sa ganitong kalakaran hindi makakailang lumilipat ang mga dayuhang turista sa mas “tourist-friendly” na bansa tulad ng Thailand, Vietnam, Indonesia at iba pa. Malinaw na nawawala ang kita at opurtunidad na sana’y para sa mga Pilipino.

    Hindi lang ito usapin na abala. Ito ay isang suliraning may direktang epekto sa ekonomiya. Ang bawat turista na nawawala ay katumbas ng nawawalang kita para sa mga maliit na negosyo, lalo na sa mga lugar tulad ng Boracay, Siargao at iba pa na umaasa sa turismo bilang pangunahing kabuhayan, ang kawalan ng dayuhang turista ay nagdudulot ng malaking problema sa kabuhayan ng mga residente. Hindi sapat ang promosyon o pag dalo sa mga international na travel fair kung sa mismong pintuan pa lang ng bansa ay nahihirapan na ang mga turista.

    Ang Department of Tourism ay kailangang kumilos hindi lamang sa aspeto ng promosyon, kundi pati na rin sa pakikipag-ugnayan sa mga reponsable sa imigrasyon at prosesong visa. kailangang magkaisa ang mga kagawaran upang makagawa ng isang sistemang moderno, mabilis at makatao na hindi lamang magpapadali sa pagdating ng mga turista kundi magpapakita rin ng pagiging bukas ng Pilipinas sa mundo. Hangga’t hindi ito naaayos, sagabal ang sistema ng visa sa inaasam na pagbangon ng turismo at tayo ay patuloy na malulugi.

Design a site like this with WordPress.com
Get started